25

By

Double-double nilista ni Sangalang, Magnolia tinambakan ang Alaska

Nakabangon ang bottom team na Magnolia Hotshots mula sa masakit na matalo, ibinuhos ang ‘galit’ kontra sa Alaska Aces, (score), Sabado ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Tila magiging gitgitan ang laban sa pagitan ng dalawang koponan, na rematch noong nagdaang PBA Governor’s Cup finals, tinapos ang first quarter na tabla, 27-all.

Ngunit pagdating ng second canto, napako sa 29 points ang Aces, samantalang nagpakawala naman ng 11-0 run ang Hotshots sa pangunguna ng tambalan nina Paul Lee at Mark Barroca.

Patuloy ang naging pananalasa ng Pambansang Manok sa second half, tinaas ang abante sa 19 points sa bisa ng layup ni Ian Sangalang, 54-75.

Hindi na muling nakabangon pa ang tropa ni Alaska coach Alex Compton, nakuha ang kanilang ikatlong talo sa anim na laro, habang nasa ibaba pa rin ang Magnolia na naging masama ang simula hawak ang 2-4 kartada.

Bumakas ang Magnolia forward na si Ian Sangalang ng 24 points at 14 rebounds, nakatuwang si Lee na kumolekta ng 20 points, nagbuslo ng tatlong tres sahog ang walong rebounds.

Samantala, nawalan ng saysay ang 26 points ni Chris Banchero para sa Alaska, ngunit itinapon naman nito ang bola ng walong beses, may double-double naman si Jeron Teng, 17 markers at 12 boards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?