81

Sep 20, 2018 @ 17:03
By

Double double ni Yee, nagpalubog sa Voyagers

Pinahiya ng Davao Occidental Tigers ang Pasay City Voyagers sa sarili nitong balwarte, 68-61, sa MPBL Datu Cup Miyerkoles ng gabi, Setyembre 19, sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Nasa ikalawang puwesto ngayon ng Southern Division ang Tigers tangan ang 6-3 kartada habang patuloy ang pagligwak ng Voyagers sa 2-7 baraha sa North.

“I wanna congratulate my team ’cause they play hard today. It’s our first time playing in the home game, so I told them execution is important and that’s what they did today especially on defense,” sabi ni Davao Occidental coach Don Dulay sa Abante Online.

Naging pangunahing bala ng Tigers si dating professional player Mark Yee na tumapos ng 16 puntos, 24 rebounds at anim na assists.

Sunod na makakasagupa ng Davao ang Caloocan Supremos at paghahandaan ito nang todo ng tropa ni Dulay.

“I have another gameplan, I’m gonna do my scouting again for Caloocan. I know they’re a tough team, my coaching staff have been doing really well, so when we go back to work, we’ll figure it out,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?