79

Nov 30, 2019 @ 13:37
By

Double-double ni Yee, nagpabagsak sa Imus

Kumayod si ex-pro Mark Yee ng 27 points at 14 rebounds upang akbayan ang Davao Occidental sa pagpulbos sa Imus, 94-78, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Biyernes ng gabi sa El Salvador City Gym, CDO.

Bakas sa kanya si ex-pro Billy Robles ng 13 markers, at si Mario Bonleon ng 12 pts. para sa third straight victory at 19-3 overall win-loss record para paderan ang Group B lead, sinubsob ang kahrupong biktima sa pang-anim na tilapon sa 5-19 para sa ika-14 na puwesto.

“Sinunod lang namin yung game plan tapos yung mga pinapagawa ng coaches namin,” pahayag ni Yee na tinanghal na best player of the game.

Walang bisa ang 20 puntos ni Gerald Anderson para sa Imus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?