35

By ,

Double-double ni Dionisio sa Manila nagpataob sa N’Ecija

Nagtubog ng double-double na 10 points at rebounds si Aristotle Dionisio upang ipagtuloy ang kinang ng Manila Stars, tinumba ang Nueva Ecija Mi Guard, 96-86, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa San Andres Sports Center sa Maynila.

Pero namuno sa opensa ng Manila si Carlo Lastimosa na may 20 markers, dagdag ng 18 markers si Chris Bitoon, si Jollo Go ng 14 at Aris Dionisio ng 10.

Sa 3-2 lang naiwan ang Stars at mula rito’y dinomina na ang karibal na nilamangan ng hanggang 25 sa sagupaan.

Si ex-pro Jerwin Gaco ang bigong kumarga sa Nueca Ecijanos sa 19 puntos.

Dinomina rin ng Manila ang field goal sa 50 percent sa likod ng 38-of-76 kumpara sa 41 percent na 26-of-63 ng Mi Guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?