218

By

‘Double behind the back’ ni Nambatac, pinagkaguluhan ng ROS

Pangalawang taon pa lang sa PBA, gumawa na ng ingay ang Rain or Shine player na si Rey Nambatac sa kanyang showtime move na nagpatayo sa madla.

Sa third quarter sa kanilang naging OT win kontra sa Phoenix Fuel Masters, 98-94, ginawa ni Nambatac ang double behind the back dribble para malusutan ang dalawang katunggali.


Naging dahilan ito para maglupasay sa sahig ang ilang kakampi, samantalang ang iba naman ay napatalon sa move ni Nambatac.

Ayon kay Gabe Norwood, matagal na umano itong ginagawa ni Nambatac at siya’y masaya ngayong mataas na ang kumpiyansa sa sarili ng dating Letran.

“Rey is playing with extreme level of confidence right now. Seems to be experimenting on the fly but it’s something we appreciate. Just to see a guy with that much confidence being himself is exciting. We were just happy for him,” ayon kay Norwood.

“He’s been doing stuff like that basically since the conference started. To come out and bust it out in a game, it’s another level of confidence,” dagdag pa niya.

Maging si Raymong Almazal ay napa-wow sa ginawa ni Nambatac.

Ginagawa niya ‘yun. Pina-practice niya everyday. May mga moves siyang ginagawa. Ginagawa niya sa scrimmage. Pero ‘yung gawin mo sa game na dikdikan ang laban, siyempre ‘yung guts para gawin niya ‘yun. Sana dere-derecho ‘yung opensa niya,”papuri ni Almazan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?