88

By

DOTr Usec. De Leon tinanggi na may bias sa pagbibigay ng bus exemption

Pinabulaanan ng Department of Transportation (DOTr) na may pinaboran itong ilang bus company na biyaheng Metro Manila galing southern Luzon para maging exempted sa paghinto sa bagong integrated terminal o Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Itinalaga ang PITX bilang last stop ng mga provincial bus na pinagbabawal nang dumaan sa EDSA. Mula sa terminal, maaari nang sumakay ang mga mananakay sa mga city bus, taxi o UV Express van.

Ngunit nitong Oktubre 18 ay nag-issue ang DOTr ng department order para sa exemption ng 300 bus sa paghinto sa PITX.

Sa panayam ng DZMM kay DOTr Undersecretary Mark De Leon, sinabi nitong ang mga bus na nagkaroon ng exemption ay mga bumibiyahe mula sa ilang lugar sa Cavite at Laguna.

Iginiit ni De Leon na isinaalang-alang ng ahensiya ang kaginahawaan ng mga mananakay at para hindi na ito maabala sa paglipat ng iba pang sasakyan na makakadagdag din sa kanilang pamasahe at travel time.

Nang matanong si De Leon kung totoo at may malisya ang eksena na nakita umano itong nakipag-dinner sa isang operator ng bus na exempted, naging sagot ng undersecretary:

“Malinis po ang ating hangarin ay para sa ating commuters natin dito sa Kalakhang Maynila. Ang mas nakararami po ang ating dapat na serbisyuhan,” paglilinaw pa ni De Leon, “Wala pong mga dinner na nangyari.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?