20

Jul 15, 2021 @ 21:18
By

DOTr: Sumakay ng EDSA Busway, MRT-3 para iwas trapik

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumakay ng EDSA Busway at MRT-3 para makaiwas sa lumalalang trapik sa mga pangunahing kalsada.

Sa kanilang joint statement, sinabi ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at MRT-3 na hindi apektado ng trapik at nananatiling 45 minuto hanggang isang oras ang biyahe ng EDSA Busway — na mula Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange — mula sa tatlo hanggang apat na oras dati.

“Gamitin ang EDSA Busway upang makatulong sa pagbabawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada at pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, lalo na tuwing rush hour,” saad sa joint statement.

Samantala, sinabi nitong napakalaki naman ng ikinabuti ng serbisyo ng MRT-3 dahil sa “massive rehabilitation and maintenance program”.

“Ang MRT-3 ay patuloy na nakakapagbibigay ngayon ng mas maganda, mas maayos at mabilis na serbisyo sa ating mga commuter,” dagdag pa sa joint statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?