24

Sep 4, 2020 @ 22:34

DOTr: Subway sa Metro Manila hindi babahain

RP

Siniguro ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi pepestehin ng baha ang binubuong Metro Manila Subway.

Paliwanag ni Tugade, ang naturang subway ay pina-pattern sa JIM Technology Corporation ng Japan, kaya’t sigurado aniya ang kalidad nito lalo sa paglaban sa baha.

“Bear in mind that the location in Japan is worse than the location in the Philippines… The subways in Japan are never flooded and they are using that technology, the same technology we are using,” lahad ng kalihim.

Ang naturang subway ay tatakbo mula Quezon City patungong Ninoy Aquino International Airport, kung saan magkakaroon ng 15 na istasyon.

Tinatayang magsisimula ang partial operation ng naturang proyekto sa 2021, at inaasahan na magagamit na ng buo sa 2024 o 2025.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?