14

Dec 18, 2020 @ 14:45
By

DOTr sabit din! TRB chief mag-resign sa kapalpakan ng RFID – Poe

Dapat nang magbitiw sa pwesto si Toll Regulatory Board (TRB) executive director Abraham Sales dahil sa perwisyong dinulot ng pagpapatupad ng cashless transaction sa mga tollway, ayon kay Senadora Grace Poe.

Ayon kay Poe, si Sales ang dapat sisihin sa naging pagkukulang sa paggamit ng radio-frequency identification (RFID) sa mga tollway katulad ng nangyari sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ngunit aniya, hindi lamang si Sales ang dapat umako ng sisi, kundi pati si Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Tatlong taon nang nagkakaroon ng problema ang serbisyo ng concessionaire sa NLEX. Ni isang penalty o warning na ipinakita sa secretary, wala siyang ginawa. Parang kakuntsaba pa siya rito,” lahad ni Poe sa CNN Philippines.

Noong Miyerkoles ay pinuna na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRB dahil sa hindi pagsisigurong magiging maayos ang RFID system bago ipatupad ang cashless transcation sa mga tollgate.

Isa pa sa sinisi ni Poe ay si Transportation Undersecretary Ruben Reinoso dahil ang opisyal dapat ang nagpaabot kay Tugade ng sitwasyon sa NLEX.

“Unfortunately, USec. Reinoso who was supposed to be liaison between the leadership of the DOTr and the TRB, didn’t also relay to Secretary Tugade what was going on,” sambit ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?