56
dotr-mrt-3
Jan 10, 2018 @ 18:02
By

DOTr nililigawan ang Sumitomo Corp para sa MRT-3 maintenance

Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na matutulungan sila ng Japanese government na makuha ang Sumitomo Corporation bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang maiwasan na ang patuloy na aberya ng tren na nagbibigay ng pagkairita sa mga pasahero.

Ayon kay Transportation Assistant Sec. Timothy John Batan, hinihintay pa nila ang go signal ng Japanese government para i-consider ang pagpasok ng Sumitomo sa bansa.

Sa naganap na press conference, umaasa sila na malaki ang maitutulong ng Sumitomo sa pag-rehabilitate ng MRT-3 matapos magpadala ng diplomatic note sa Japanese government noong Disyembre 28 kung saan kasama sa note ang mga kondisyon ng kapwa gobyerno para sa ikaaayos ng serbisyo ng MRT-3.

Dagdag pa nito, kapag naisaayos na ang posisyon ng Sumitomo sa MRT ay asahan na maayos na ang pagtakbo ng mga tren.

Batay sa report, umabot lang sa 24 unloading incidents kada buwan ang naganap mula nang hawakan ng Maintenance Transition Team (MTT) noong Nobyembre 6 kumpara sa Busan Universal Railways na may 39 unloading incidents kada buwan.

Matatandaang kinansela na ng DOTr ang kontrata ng Busan matapos ang patuloy na aberyang nagaganap sa MRT kung saan libu-libong pasahero ang nagrereklamo at naiirita na.

Dagdag pa nito, nasa 50 unloading incidents lamang ang naganap noong Nobyembre 2017 at nasa 23 lamang ang aberya noong Disyembre 2017.

Umabot naman sa siyam na beses na aberya ang naganap ngayong 2018 sa patuloy na pagkasira ng tren ng MRT dahil umano sa technical problem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?