22

By

DOTr napasimangot sa desisyon sa Angkas

Sharing is caring!

Hindi ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang ginawang pagsemplang ng Korte sa kanilang suspension order sa motorcycle ride-hailing app na Angkas.

Naglabas ng magkasamang pahayag ang dalawang ahensiya at inihayag na ikinalungkot nila ang desisyon ni Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong City regional trial court.

Giit ng DOTr at LTFRB sinusunod lang naman nila ang kanilang maging mandato na maging ‘regulator’ ng mga pampublikong transportasyon.

Binanggit din sa pahayag ang Republic Act 4136 na nagbabawal sa mga motorsiklo na magamit bilang isang uri ng pampublikong transportasyon.

Ayon pa sa dalawang ahensiya sa naging desisyon ng hukuman pinipigilan sila na pakialaman ang operasyon ng Angkas kahit sa usapin na ng kaligtasan ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?