26

Mar 18, 2020 @ 16:12
By

DOTr naghanda ng 10 bus para sa mga health worker

Sampung bus ang denideploy ng DOTr sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magsisimula dito sa Parañaque Intergrated Terminal Exchange (PITX) ang magsisilbing service ng mga health worker na apektado ng lockdown sa buong Luzon.

Ayon kay DOTr Asec Mark de Leon iba-ibang ruta ang mga naturang bus na ma-iikot sa mga hospital para sunduin ang mga health worker para ihatid sa kani-kanilang mga tirahan.

Paglilinaw ni De Leon, bahagi pa rin ito ng enhanced community quarantine sa mga frontliner sa Metro Manila kung saan dadaan sa screening ang bawat susunduin ng bus para maiwasan ang ibang nagpanggap na health worker para sumakay sa bus na inilatag ng DOTr para sa libreng sakay ng mga health worker.

Ipapakita lamang sa mga security guard ng hospital ang mga ruta ng bus upang ipaalam sa mga health worker na magsisilbing hatid sundo sa mga health worker sa Metro Manila.

Tatlong truck sakay ang Philippine Army at mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang magsisilbing escort sa sampung bus na magi-ikot sa mga hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?