99
ferry-dotr
Mar 11, 2018 @ 15:59
By

DOTr, hinikayat na papelan ang ferry service sa Pasig River

Hindi na umano dapat ibigay sa mga pribadong kumpanya ang operasyon ng ferry service sa Ilog Pasig bilang alternatibong pampublikong transportasyon.

Mungkahi ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., hawakan na ng gobyerno partikular ng Department of Transportation (DOTr) ang ferry service gamit ang low-cost funding mula sa China.

“Since nobody from the private sector is prepared to establish a permanent ferry service, then the government itself, through the DOTr, should acquire and run the commuter boats,” ani Campos.

Hinimok ni Campos ang Department of Finance (DOF), kasama ang DOTr, Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na isama ang bagong Pasig River Water Bus Project sa susunod na Chinese concessional funding.

“While we are fighting motor vehicle traffic jams, we simply cannot ignore the fact that the Pasig River freeway is always there for us to harness as a means to efficiently convey commuters,” ayon kay Campos.

Positibo ang kongresista na magandang pagkakataon rin ito para sa panunumbalik ng makasaysayan at malinis na Pasig River.

Matatandaang hindi nagtagal ang ferry services ng ilang pribadong operators sa Pasig River dahil sa pagkalugi, habang limitado naman ang ferry service ng MMDA na nagpapatakbo dito ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?