59
ABANTE mrt 3 dalian transportation china train
Jan 11, 2018 @ 15:29
By

DOTr, hands off sa pag-audit sa China-made trains

Masisimulan na ang pag-audit sa kontrobersiyal na 48 Dalian Light Rail Vehicles (LRVs) na binili ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Transportation Usec. for Railways TJ Batan, nakipagpulong na sila sa TUV Rheinland, ang nakuhang Independent Audit and Assessment consultant para suriin ang 48 LRVs mula sa China.

Sa pulong, ayon pa rin kay Batan, iginiit nila sa TUV Rheinland na hindi sila makikialam o magtatangkang impluwensiyahan ang isasagawang audit at assessment.

Tiniyak ng opisyal anuman ang magiging rekomendasyon ng German auditing firm ay kanilang susundin.

Aniya, kung mairerekomenda na maaari nang gamitin ang mga LRVs ay gagawin nila ito.

Ngunit paglilinaw ni Batan, sakaling ipagamit ang LRVs ngunit may gagawing adjustments, hindi ito gagastusan ng DOTr.

Kapag ipapabalik na lamang ang mga LRV ay ibabalik na nila ang mga ito sa Dalian.

Hindi nagagamit ang mga train set na binili sa halagang P3.8 bilyon dahil mas mabigat ang mga ito kumpara sa itinakdang bigat lang ng mga tren.

Bukod dito, may isyu rin sa maintenance facilities at signaling system sa mga naturang bagong train sets. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?