41

By

DOTr: Door to door na plaka pambawi ng LTO sa mga car owner

Sharing is caring!

Bilang bawi sa mga may-ari ng sasakyan na matagal nang naghihintay ng kanilang plaka, ginawa ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na ihatid na lang sa bahay ang kanilang mga plaka.

Ayon Engr. Robert Allan Santiago, Regional Director ng DOTr- Cordillera, umaabot sa 174 na plaka ang kanilang ipamamahagi para mabawasan na rin ang backlog na kung saan ay matagal nang nakaimbak ang mga plaka at go signal na lamang sa itaas ang kanilang hinihintav para maipamahagi ito.

“Magandang bawi para sa mga car owners ang sila naman ang pagsilbihan dahil alam nating matagal nilang hinintay ang kanilang plaka na halos magpabalik-balik sila sa LTO,” ayon pa kay Santiago.

Matapos na ipalabas ng Land Transportation Office (LTO)-Cordillera ang mga plaka ay sila na mismo ang nagpa-door-to-door ng mga matagal nang nakaimbak na plaka sa kanilang tanggapan.

Personal na inihahatid ng mga tauhan ng LTO sa bahay ng mga nakarehistro ang plaka ng mga sasakyan sa Baguio at Benguet at saka na isusunod ang mga nasa ibang bahagi ng rehiyon.

Kasabay nito ang paglulunsad ng Personal Appointment Scheduling System (PASS) na kung saan maaaring ma-track online kung nasaan na ang mga pinoprosesong plaka at paraan din ito para mabawasan ang mga nagpapabalik-balik sa kanilang tanggapan na nagparehistro ng mga sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?