11

Aug 2, 2020 @ 9:22
By

DOTA tournament ng mga preso, pinatigil

Mukhang hindi na masusundan pa ang nag-viral na DOTA competition sa Baguio City Jail.

Ito’y matapos na ipag-utos ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cordillera director Roland Lee Ng Cael ang naturang eSports tournament sa loob ng bilibid.

Ayon sa jail officer ng naturang kulungan, hindi dapat ginagamit ang kanilang mga computer para sa paglalaro.

Aniya, ang kanilang mga computer at internet connection ay para lamang sa electronic visit at mga video conference.

Maaari naman umanong magkaroon ng paligsahan sa preso sa pamamagitan ng pag-awit, at iba pang pagkakaabalahan.

Matatandaan na nag-viral ang naturang selda matapos na paglaruin ang kanilang mga inmate para maibsan ang kanilang pagkabagot at mapaganda ang kanilang mental health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?