88

Aug 27, 2021 @ 17:13
By

Dota community nagluksa, Kuya D tigok sa COVID

Bumaha ng pagdadalamhati online sa pagpanaw ni Dota 2 caster at Filipino esports personality Aldrin “Kuya D” Pangan nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, pumanaw dahil sa COVID-19 si “Kuya D”, na kilala rin bilang si Dunoo.

“It is with a heavy heart that we inform everyone about the passing of one of our beloved shoutcasters. Aldrin “Dunoo” Pangan’s legacy will forever be immortalized in the halls of esports history,” anunsyo ng TNC Predator sa Twitter.

Kilala si “Kuya D” sa pagiging energetic at tandem nila ng kapwa caster na si Marlon “Lon” Marcelo, kung saan isinilang ang slogan tulad ng “lakad matatag” at “normalin”.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni “Kuya D” ang pagpositibo niya sa virus at pinagdadaanang mga sintomas nito tulad ng masakit na katawan at matinding pag-ubo.

Trending ngayong Biyernes ang hashtag na Rest In Peace dahil sa pagyao ni Kuya D.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?