79

Aug 22, 2019 @ 9:39

DOTA 2 team ng PH naungusan ng Tsino, olats

Laylay ang balikat na uuwi ang All-Filipino Dota 2 team TNC Predator matapos matalo ang grupo sa torneo na ginanap sa Shanghai nitong Miyerkules, Agosto 21.

Kahit na lamang na nung una ang TNC Predator sa The International 2019 ay nasilat ang grupo matapos na humabol ang kanilang mga nakalaban at masungkit ng Team Liquid ang score na 0-2.

Ang nasabing palaro ay ginanap na Mercedes Benz Arena in Shanghai, China at bago pa man ang opening series ay inulan na umano ng pambo-“boo” mula sa mga Chinese ang kontrobersiyal na Filipino professional Dota 2 player na si Carlo “Kuku” Palad kabilang ang TNC Pro team.

Sa ngayon ay nasa $33 million o katumbas ng mahigit P1.7 billion ang maiuuwing premyo sa torneo kung sinuman ang mananalo

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?