67

Apr 3, 2020 @ 12:02
By

DOTA 2: Kiefer, June Mar vs Japeth, Pingris

Idadaan ng apat na PBA star sa paglalaro ng DOTA 2 ang kanilang tulong para sa mga medical frontliner kontra COVID-19.

Sa Facebook post ng Mineski.TV, magkakaroon ng ‘DOTA 2 Charity Showmatch’ na kinabibilangan nina Kiefer Ravena, Japeth Aguilar, Marc Pingris at June Mar Fajardo.

Makakasama nila ang iba pang pangmalakasan ng Pilipinas pagdating sa DOTA 2 na mga nakapag-compete na sa international stage.

Sa Team 1, magiging kaakmpi ni Ravena at Fajardo sina Alo, Fnatic.DJ at TNC.Armel.

Ang Team 2 naman ay papangunahan nina Aguilar at Pingris, kasama sina KuyaNic, GeekFam.Kuku at TNC.Tims.

Magaganap ang charity game sa April 6, alas-6:30 ng gabi at mapapanood sa Facebook page ng Mineski TV.

Target nilang makalikom ng P1-million na ibibigay sa PGH Medical Foundation, Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?