18

By

DOT Sec. Berna Romulo extra sa ‘Darna’

Sharing is caring!

ISINAWALAT ni Direk Erik Matti na buo na ang casting ng “Darna” movie. Meron na raw gaganap bilang Valentina at Ding, pero hindi pa nire-reveal ng director.

Sa panayam, sinabi ni direk Matti na idedicate niya ang Darna movie sa mga taong malapit sa kanyang puso. Isa dito ay ang sister ni DOT chief Berna Romulo-Puyat na si Lupe Romulo.

Ayon sa direktor nagpahayag sa kanya si Lupe nu’ng nabubuhay pa na isama raw siya bilang extra sa “Darna.” Namatay ang sister ni DOT Sec. last November 2017.

Post ng director sa kanyang Instagram: “Lupe Romulo was my number one fan. She’s the sister of Erwin Romulo, our musical director.”
Sinabi pa raw ni Lupe na panonoorin niya ang BuyBust. “She even asked to be casted as an extra in “Darna.”
Nabasa ni DOT Sec. Berna ang tribute message ni direk Matti. Sumagot siya sa director: “Thank you for including Lupe’s name. Made me [cry] when I saw your post. Ako na lang mag-e-extra sa ‘Darna.’”
“Game,” sagot ni direk Matti sa DOT Sec. Mabilis ang reply ng huli: “Game! Just tell me when, Direk!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?