68

By

DOT pumalakpak sa ‘Top 3 Best Island award’

Sharing is caring!

Ikinalugod ng husto ni Tourism Secretary Berna Puyat ang pagkilala sa tatlong isla sa Pilipinas ng isang international travel publication bilang tatlo sa Best Islands in Asia ngayong taon.

Nakuha ng Siargao, Boracay at Palawan ang unang tatlong puwesto sa Reader’s Choice Award ng Conde Nast Traveler.

Nasungkit ng Siargao, ang kinikilalang Surfing Capital of the Philippines, ang unang puwesto base sa mga papuri ng mga kilalang surfer at turista.

Bagamat sarado ang Boracay ay kinilala pa rin dahil sa mala-pulbos na puting buhangin sa isla at ito ang nakakuha ng pangalawang pinakaraming boto.

Pumangatlo ang Palawan, na hindi nawawala sa listahan ng CNT, dahil kinapapanabikan ng mga turista ang Underground River.

Ayon kay Puyat ang pagkilala ay magandang imbitasyon sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Pakiusap lang ng kalihim sa mga nagbabalak na pumasyal sa Boracay na dapat ay pangalagaan na nila ang isla at maging responsableng turista.

Samantala, ang iba pang kinilalang isla sa Asia ay ang Langkawi sa Malaysia at Bali sa Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?