189
views
duty-free
By

DOT, pinagbabayad ng COA sa mga produktong kinuha ni Wanda Teo sa Duty Free

Sharing is caring!

Inatasan ng Commision on Audit ang Duty Free Philippines na singilin ang Department of Tourism para sa mga produktong napunta kay dating Secretary Wanda Teo noong nasa pwesto pa ito.

Base sa COA audit report, may mahigit dalawang milyong halaga na mga produktong nai-deliver sa DOT Office of the Secretary mula sa Duty Free noong 2017.

Kasama dito ang mga cosmetics, mamahaling bags, canned goods, appliances at chocolates.

Sa halagang ito, ayon sa COA, 346,000 pesos ang hindi recorded sa libro ng Duty Free Philippines habang ang 2.174 million ay recorded.

Kinuwestyon din ng COA sa annual audit report nito ang corporate giveaways ng Duty Free na umabot sa halagang 13.36 million.

Kabilang dito ang mamahaling LED TV, refigerators, coffee makers at branded na mga bag.

Binigyang diin ng COA na iregular ang gastos na ito ng Duty Free Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?