19

Jul 22, 2021 @ 14:07
By

DOT: Pamilya puwedeng mag-quarantine sa isang kwarto

Nilinaw ng Department of Tourism na pinapayagan ang pagsasama-sama ng isang pamilyang kailangan dumaan sa quarantine mula sa pagbiyahe.

Ito’y binahagi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat matapos makatanggap ng mga report na may mga quarantine hotel na nagpapatupad ng one room-one person policy.

Paliwanag ni Puyat, puwede ang ilang tao sa isang quarantine room basta’t magkakasama ang mga ito sa iisang tahanan.

“While the Department is aware of the downturns that the pandemic brought to the tourism industry, particularly the accommodation sector, we would like to reiterate that all DOT-accredited establishments must strictly follow the guidelines released by the Department to avoid confusion among travelers who need to quarantine,” wika ni Puyat.

Sa nilabas na DOT Administrative Order No. 2021-004-A, ang solong tao para sa isang quarantine room ay pinatutupad lang para sa mga biyaherong magkaiba ng tahanan.

“We all share the same struggles but it is imperative that we implement the right policies to help our kababayans who want to return to the country,” ayon pa kay Puyat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?