16

Sep 27, 2020 @ 20:50
By

DOT naglabas ng staycation advisory sa GCQ area

Tinawagan ng pansin ng Department of Tourism (DOT) ang mga four at five star hotel na nais sumali sa staycation program.

Sa nilabas na advisory ng DOT na pirmado ni Tourism-NCR Director Woodrow Maquiling, sinabi nito na maaari nang mag-send ng letter of intent ang mga management ng hotel na nasa general community quarantine area.

Ang naturang liham ay para sa mga nais makapasok sa kanilang staycation program, na pinapahintulutan na sa GCQ.

Kapag nakapagpasa na ng liham, mag-iinspeksyon ang DOT sa mga hotel at kapag pumasa ay bibigyan ang mga ito ng certificate of authority to operate for staycation.

Maaaring i-send ng mga hotel ang kanilang liham sa dotncr.tourism.regulation@tourism.gov.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?