28

Jun 14, 2020 @ 16:54
By

DOT nagalak sa balik-operasyon ng hotel resto

Malaking tulong sa muling pagsisimula ng turismo sa bansa ang pagbubukas ng mga restaurant sa loob ng mga hotel at iba pang accommodation establishment simula June 15.

Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang rekumendasyon ng Department of Trade and Industry na muling payagan ang dine-in operation ng mga nasa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Pinaalalahanan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dapat na istriktong ipatupad ang 30-percent na seating capacity limit para sa mga customer sa dine-in operation, gayundin ang pagsunod sa safety protocol laban sa COVID-19.

Ayon pa sa kalihim, mayroong team mula sa DOT, DTI at Department of Labor and Employment na magsasagawa ng inspeksyon para masiguro ang pagsunod ng mga restaurant sa protocol.

Samantala, nakipagtulungan naman ang DOT sa DTI at Talino Venture Labs para magbigay ng digital solution sa mga negosyo na accredited ng DOT para makasabay sa new normal.

Ang nasabing serbisyo ay ipagkakaloob ng DOT para matulungan ang mga negosyo na muling manumbalik makabangon sa new normal.

“We introduced these digital solutions free of charge for DOT-accredited restaurants in their transition to the new normal. Innovation is key to effectively implement and maintain health and safety protocols in their premises,” ayon kay Puyat. “We can bounce back from our economic losses through our collective effort to ensure the health and safety of both employees and customers as more businesses gradually operate.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?