89
boracay
Dec 20, 2017 @ 17:17
By

DOT: Itigil na ang pagtatayo ng istraktura sa Boracay

Kinakailangan na mapigilan ang walang habas na pagpapatayo ng mga istraktura sa isla ng Boracay para hindi na maulit pa ang grabeng pagbaha doon.

Isa ito sa mga binanggit na solusyon ni Tourism Asec. Frederick Alegre sabay dagdag na kailangan din ng political will sa bahagi ng gobyerno.

Ayon kay Alegre, kailangan mahigpit na ipatupad ng lokal na pamahalaan ang mga polisiya ukol sa pagpapatayo ng mga istraktura sa nangungunang tourists’ destination ng bansa.

Kasabay nito, tiniyak din ng opisyal na nakatutok si Tourism Sec. Wanda Teo sa mga paglabag ng mga establisimiyento ukol sa paggamit ng pulbos na putting buhangin sa kanilang pagnenegosyo.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na si Teo sa Department of Environment and Natural Resources hinggil sa mga problema sa Boracay.

Nabuhay ang isyu ukol sa mga isyu sa isla nang muling ito bahain dahil sa ulan na dala ng nagdaang bagyong Urduja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?