9

Nov 11, 2020 @ 20:44
By

DOT happy! Bukas na hotel, resort lampas 7K na

Masaya si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dumarami na ang mga hotel at resort sa bansa na pinayagang mag-operate.

Ayon sa kanya, nasa 7,200 na hotel at resort sa kasalukuyan ang bukas na.

“Not only will a Certificate of Authority to Operate (CAO) or a provisional CAO from DOT indicate the allowable operation of accommodation establishments, it likewise adds to guests’ confidence, knowing that these establishments have been inspected and are compliant with our protocols that follow globally-recognized health and safety standards,” pahayag ni Romulo-Puyat.

“We are happy to see the numbers go up as more tourism destinations reopen for domestic travelers,” dagdag niya.

Pinakamaraming naisyuhan ng CAO at PCAO na mga hotel at resort ay sa Region 4A (1,303); Region 3 (830) at Region 1 (806).

Magugunitang mula nang ipatupad ang quarantine noong Marso ay nag-iisyu na ang DOT ng mga CAO at PCAO para makapag-accommodate ang mga establisyimento ng mga repatriated OFW, essential worker, at foreign at domestic tourist na stranded dahil sa mga travel restriction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?