22

Oct 26, 2020 @ 15:46
By

DOT gustong gawing mas mura ang travel

Naghahanap ng mga paraan ang Department of Tourism (DOT) para mas maging abot-kaya ang domestic travel.

Sa partikular, gustong mapababa ng ahensiya ang gastusin sa COVID-19 test na required para sa mga gustong bumiyahe sa El Nido, Baguio, o Boracay.

“We are looking for ways to make travel more affordable. But as of now, we don’t want what happened to the rapid test kit that yielded many false negative results. We want to restart cautiously. We don’t want to be negligent and cause an outbreak and risk going back to zero again,” sambit ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa DZBB, Oktubre 26.

“We have to be very careful when we restart. Since there’s no vaccine yet, there should be a test before travel,” aniya pa.

Sa ngayon, ayon sa kalihim, hinihintay nila ang rapid antigen pilot testing sa Baguio City na nasa 50 percent na.

“We need 100 percent. We hope it’s successful so we can eventually use the antigen, which is cheaper for only about P500 and the result comes out faster.”

Minungkahi rin ni Romulo-Puyat ang pagtatakda ng price cap sa RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) test, na tinuturing na “gold standard” sa coronavirus testing, para mapababa ang halaga nito.

Sa ngayon, kinakailangang magpresenta ng negatibong RT-PCR test result bago makapasok sa mga bukas nang tourist spot sa bansa. Nagkakahalaga ito nang mula P4,000 hanggang P12,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?