37

Dec 5, 2020 @ 9:24
By

DOT, DOLE sanib pwersa para bigyang ayuda mga tourism worker

Bibigyan ng financial assistance at ipapasok sa emergency employment program ang mga tourism worker na na-displace dahil sa pandemya.

Sa nilagdaang Joint Memorandum Circular N. 2020-001 nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, maaring mag-apply ang mga manggagawa sa tourism sector sa ilalim ng Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Kasama sa mga matutulungan ay ang mga tour guide at service staff na nawalan ng trabaho, pati na rin ang mga empleyad sa ilalim ng DOT-accredited Primary Tourism Enterprise, DOT-accredited Secondary Tourism Enterprise, Local Government Unit-licensed (non-DOT-accredited) Primary Tourism Enterprise, o rehistradong Community-Based Tourism Organization (CBTO).

Sa ilalim ng CAMP, bibigyan ng one-time financial aid na nagkakahalaga ng P5,000 ang mga manggagawa.

“We invite all affected tourism workers to maximize the government financial assistance programs made available for the tourism industry. The steps to avail of this is very simple. All eligible beneficiaries should contact our DOT Regional Office designated focal persons who will assist you on the requirements and step-by-step process,” ayon kay Romulo-Puyat.

“This one-time Php 5,000 financial assistance may appear insignificant compared to the lost jobs and curtailed pecuniary benefits arising from the downsizing or closure of establishments. But for many, it can work to uplift the spirits and spur hope this Christmas, especially for those at the grassroots,” aniya pa.

Bisitahin lamang ang https://reports.dole.gov.ph/ at i-click ang ‘Apply for CAMP Financial Assistance’ para sa naturang ayuda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?