18

Jan 7, 2020 @ 14:59
By

DOT, DENR, DILG bibisita sa Baguio

Sa Biyernes bibisita sa Baguio City ang mga kalihim ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Bibisitahin nina DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, DENR Secretary Roy Cimatu, at DILG Secretary Eduardo Año sa Enero 10, 2020 ang Burnham Park, Wright Park, Mines View Park, sewage treatment plant ng lungsod, Balili river, at sanitary land fill in Irisan.

Makikipagpulong din ang mga kalihim sa lokal na gobyerno ng Baguio patungkol sa mga problemang kinahaharap ng lungsod, gaya ng overtourism.

Una nang nangako ang DOT na bibigyang-pondo ang mga proyekto sa “City of Pines,” kabilang ang P480-milyong pagsasaayos sa Burnham Park.

Pinag-aaralan din ng ahensiya ang hiling na pondo ng Baguio para sa konstruksiyon ng sewerage system at pagsasaayos ng Mines View Park.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?