37

May 26, 2020 @ 13:29
By

DOT, ayaw sa hotel buffets dahil sa panganib sa coronavirus

Bawal muna ang pagseset-up ng mga buffets sa “new normal” sa mga hotels, ayon sa bagong kautusan inilabas ng Department of Tourism.

Sinabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakahanda itong ibaba ang hotel at accommodation rules sa mga lugar na ilalagay sa modified general community quarantine, bagaman mahigpit pa rin ito sa paglimita sa mga tao at sa interkasyon sa mga turista at bisita na mananatili sa mga hotels at iba pa na kailangan ng lodging.

Papayagan sa bagong kautusan ang hotels at ibang leisure accommodation na magbukas sa 50% capacity sa mga lugar sa ilalim ngmodified GCQ, habang full operations naman sa lugar na inalisang lahat ng restrictions.

Ang tanging natitirang guideline ay ang pagsunod sa minimum health standards tulad sa pagsusuot ng face masks at social distancing.

Pinagtutuunan din ng DOT ang posibleng paglawak ng interaksyon laluna tuwing kakain.

“Self-service station set up for guests at the dining area is highly discouraged. All food and beverages must be served by restaurant crew or personnel,” ayon sa guidelines ng Inter-Agency Task Force noong Lunes.

“Buffet services and room service is highly discouraged. Serving of individually-packed meals using biodegradable packaging is encouraged,” ayon pa sa guidelines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?