9

Feb 17, 2021 @ 13:14
By

DOST naghahanap ng lalahok sa Valenzuela VCO study

Nagsimula na ang Department of Science and Technology (DOST) na mag-recruit ng mga volunteer para sa kanilang pag-aaral sa Valenzuela City na kukumpirmahan kung napapabilis nga ba ng virgin coconut oil (VCO) ang paggaling ng mga pasyente ng COVID-19.

“We are expanding our research in Valenzuela with the cooperation of Mayor Rex Gatchalian. We have started recruiting patients already in the emergency hospital as well as the LGU facility,” wika sa CNN PH ni DOST-Food and Nutrition Research Institute Director Imelda Angeles-Agdeppa, Miyerkoles.

Gayunman, hindi tinukoy ng opisyal kung saan-saan mismo idaraos ang pag-aaral.

Ayon kay Agdeppa, hangad nilang makalikom pa ng mga pasyente upang makumpirma ang nalaman nila sa Sta. Rosa City, Laguna na magandang supplement ang VCO para sa mga moderate o mild cases ng coronavirus.

Bukod sa Valenzuela, susubukin din ang pagiging epektibo ng coconut oil sa mga pasyenteng may severe at moderate na sintomas ng COVID-19, gayundin sa mga may comorbidities sa Philippine General Hospital, Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?