53

Oct 5, 2021 @ 19:46
By

DOST: Lagundi ‘positibo’ resulta sa COVID patients

Nagbunga ng positibong resulta sa mga mild COVID patient ang lagundi base sa isinagawang trial ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development Director Jaime Montoya, natapos noong kalagitnaan ng Setyembre ang clinical trials ng lagundi bilang karagdagang supplementary treatment sa may mild COVID symptoms.

Sa naturang mga trial ay sinubukan ang nasabing halamang gamot sa 278 COVID patient.

“We’re looking at whether it can help alleviate or prevent progression to moderate or severe cases or allow early resolution of symptoms. The study has already been finished, the data has been presented to us but we are just finalizing results before the data release para ma-review ng experts ang results,” wika ni Montoya ngayong Martes.

“Mukhang positive naman. I think it will be an additional medicine that we can give to COVID-19 patients,” dugtong pa ni Montoya.

Ngunit paalala niya, sakaling mapatunayan ang bisa ng lagundi kontra COVID ay magiging karagdagang gamot lamang ito sa mga pasyente.

“It’s not a standalone. It is only, kung proven to be useful, to be used in addition to all of the other medicines currently proven effective against COVID-19,” aniya.

Bukod sa lagundi, pinag-aaralan din ng DOST ang bisa ng ibang herbal na gamot laban sa virus tulad ng virgin coconut oil at tawa-tawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?