140

Dec 8, 2017 @ 13:22

DOST exec sinuspinde ng Ombudsman ng 1-buwan

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang isang buwang suspensiyon sa regional secretary ng Department of Science and Technology sa Cotabato City para sa iregular na assignment nito bilang researh specialist.

Napatunayan ng Ombudsman na guilty ng simple misconduct for the offense si Myra Mangkabung, ang Regional Secretary para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Sa reklamong inihain noong 2016, kinuwestiyon ni Supervising Science Research Specialist Bai Lina Sanson ang pag-isyu ng special order kay Mangkabung kung inilipat ito sa the Provincial Science and Technology Center sa Basilan.

Tinanong ni Sanson si Mangabung na pag-isipan ang desisyon subalit hindi to sumagot.

Sa kanyang counter-affidavit, sinabi nito na ang kanyang sagot sa request ay nakasaad sa memorandum noong August 23, 2016 na nagdedeklara sa kanyang reassignment bilang pinal.

Subalit sabi ng Ombudsman, nagdesisyon ang Civil Service Commission-ARMM na ang lahat ng regionals ecretaries na hindi nakukumpirma ay hindi maaring lumipat nang walang pahintulot ng utlot ng ARMM governor.

β€œIt is clear that respondent Mangkabung, being an unconfirmed Regional Secretary, had no authority to cause the reassignment of the complainant to PSTC-Basilan, although she may recommend such action to the Regional Governor,” sabi ng the Ombudsman sa kanilang desisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?