18

Apr 2, 2018 @ 10:53
By

Dorsey may 19 points sa pagbigwas ng Hawks sa Magic, 94-88

Lumagare ng career-high 19 points si Tyler Dorsey kabilang na ang back-to-back baskets para kawitin ng Hawks ang panalo kontra Magic 94-88, Linggo ng gabi (Lunes, oras sa Pinas).

Kinailangan nang kumilos ni Dorsey matapos matapyas ng Orlando ang kalamangan ng Atlanta sa huling minuto ng laro.

Kapwa nasa ilalim na ang Orlando (22-54) at Atlanta (22-55) ng East kasama ang Phoenix.

Pinaglalaban na lang ng Magic na makakuha ng top pick sa NBA draft sa pagtalo sana sa Atlanta.

Nagbuslo ng dalawang free throws si Shelvin Mack, may 2:16 na nalalabi sa orasan para bawasan ang abante ng Hawks, 89-84.

Pero sinagot ito ng 3-pointer ni Dorsey. Nagdagdag pa siya ng layup sa sumunod na posesyon para banatin ulit sa dobleng pigura ang lamang ng Atlanta, 94-84.

“I saw I had a mismatch,” ani Dorsey sa ginawang 3-pointer. “His hands were down and I just let it fly. I work on that shot a lot.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?