122
Dorog nahimatay, inakay palabas ng stadium
By

Dorog nahimatay, inakay palabas ng stadium

Bago magsimula ang laban ng University of the Philippines at Ateneo sa UAAP Season 81 women’s volleyball, isang manlalaro ng UP ang kinailangang i-stretcher.

Pinatingnan agad si Justine Dorog na nahimatay habang naghihintay ng salang.

Ayon naman sa coach ng Lady Fighting Maroons na si Godfrey Okumu, tanging stress lang ang naramdaman nito at hindi dapat ikabahala.

“Nothing out of the ordinary. There is nothing to be worried about,” ayon sa UP coach.

“Just stress. Just normal. She’ll be fine. Don’t worry about her, she’ll just be fine.”

Sinaad pa sa ilang source na posibleng dahil sa buwang dalaw kaya nanghina ang atleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?