5
ariana
By

Dormitorio, numero uno sa Asian Mountain Bike

Sharing is caring!

Lumaki ang tsansa ni Ariana Thea Patrice Dormitorio na makasabak sa 2020 Tokyo Olympics matapos angkinin ang pagiging No. 1 sa Asia at pagpasok World Top 100 ranking ng Union Cycliste International sa pagtala ng ikalawang sunod na panalo sa paglahok sa Asian Mountainbike Championships sa Japan.

Idinagdag ni Dormitorio sa kanyang listahan ng mga napanalunang torneo sa Asia MTB Series ang Yawatahama International sa Japan noong Linggo upang lumundag sa Top 100 ng World Cycling Union (UCI) rankings at hawakan sa kasalukuyan ang pagiging best Asian rider sa Women Elite Olympic Cross Country.

Tumalon ang 22-anyos na Cebuana ng kabuuang 19 na hakbang mula sa dati nitong puwesto na 110thápatungo sa pagiging ika-91stása pinakahuling listahan na inilabas ng UCI matapos ang magkasunod nitong panalo sa ginaganap na qualifying na karera para sa Asia sa nakalipas na dalawang linggo.

Natipon na ni Dormitorio ang kabuuang 320 UCI puntos na kabilang ang 75 puntos na naiuwi kasama sa pagwawagi sa Asian Mountainbike Championships na ginanagap sa Danao, Cebu at dagdag na 60 puntos mula sa panalo nito nakaraang linggo sa Asia MTB Series-Yawa-tahama International sa Japan.

Ito ang unang pagkakataon para kay Dormitoro na makapasok sa Top 100 rankings ng UCI na makakapagbigay dito ng magandang pagkakataon para makapagkuwalipika sa Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?