14

Jun 12, 2020 @ 17:57

Dormitorio, Caluag pepedal pa-Tokyo

NASA top 5 ng UCI-Asia rankings sina MTB rider Ariana Dormitorio at BMX rider Daniel Caluag kaya naman kompiyansa ang PHILCycling na makakasilo ang dalawa ng Olympic slots.

Ayon kay MTB at BMX Commission head Boying Rodriguez, malaki ang tsansa nina Dormitorio at Caluag kaya kailangan pa nilang pagbutihin sa mga natitirang qualifying event.

Top 3 ang papasok sa Tokyo Olympics.

Naantala ang pagbubukas ng Olympic Games dahil sa pamiminsala ng COVID-19, inilipat ito ng petsa sa 2021.

Maliit lang ang hinahabol ni Dormitorio sa Asian rankings, nasa pangatlo ang Iran tangan ang 70 puntos habang 90 pts. sa Chinese, nangunguna ang host Japan.

Pang lima naman si London Olympian Caluag sa Asians.

Sakaling may hindi makapunta, ang susunod na ranked nation ang iimbitahan sa Olymppics. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?