333

Feb 23, 2021 @ 22:24
By

Doris Bigornia inatake sa puso, sasailalim sa surgery

Inanunsiyo ni broadcast journalist Alvin Elchico na inatake sa puso ang “Mutya ng Masa” na si Doris Bigornia.

Kinumpirma ito ni Elchico sa TeleRadyo ngayong Martes.

Aniya, nangangailangan sumailalim ng mamahayag sa isang open heart sugery.

Humihingi naman ng panalangin ang pamilya ng 55-anyos na broadcaster mula sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?