26

Jun 19, 2020 @ 7:29

‘Donut’ ni Bea type papakin ng mga boylet

Mas lalong lumaki ang paghanga ng netizen kay Bea Alonzo, dahil bukod sa angkin nitong ganda, mabuti ang kalooban nito, at makikita `yon sa mga kawanggawa na ibinibigay niya ngayong pandemic, tulad ng pagluluto, at pagbi-bake.

Bukod sa mga larawan ng mga na-bake niya, mapapanood din ang video na idini-dip ang donut para sa flavor toppings nito. Sa tingin pa lang ay masarap na ang donut ni Bea, at nakakaengganyong tikman.

Sa totoo lang, sa mga topping pa lang na fresh strawberries, bacon bits, talbog ng donut ni Bea ang iba na sikat na. Sabi nga ng mga boys, sarap daw papakin ng donut ni Bea, ha!

***

Jodi sukang-suka na sa socmed

Kumalas muna sa social media si Jodi Sta. Maria. Ang dahilan ay gusto muna niyang mag-cleansing ng sistema.

Nagposte si Jodi sa kanyang Instagram ng “offline”, kasabay ng message na “Detoxing digitally. Less scrolling. More living.”

Hindi na kailangang magpaliwanag pa ni Jodi tungkol dito dahil malinaw naman sa kanyang mensahe na mas bibigyang pansin muna niya ang sarili kaysa mag-post sa social media.

Kumpara sa ibang mga star, may effort si Jodi na kailangan niyang magising sa reyalidad na hindi dapat naaadik sa socmed.

Nagkaroon din ng ganitong pagkakataon sa kanyang buhay ang megastar na si Sharon Cuneta na halos isang buwang hindi nagparamdam sa kanyang Instagram, dahil sa isang pinagdadaanang problema.

Pero ngayon ay buhay na buhay ang megastar at punung-puno nang energy ang kanyang social media account.

***

Gwen, David sa probinsya pakakasal

Ipinagpaliban ng mag-live in partner na Gwen Zamora at David Semerad ang kanilang wedding dahil sa pandemic, at sa tinatapos na rest house nila sa probinsya.

Ayon sa message ni Gwen, pareho silang nagdesisyon ni David na iurong ang kanilang kasal dahil sa COVID19. Pero, sa kabilang banda, nakatulong daw ang pandemya sa kanila dahil nagkaroon sila ng mahabang panahon na manirahan sa kanilang rest house.

Plano rin nila na sa rest house nila gawin ang kasal nila, kaya mas pinalaki nila at pinaganda ito ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?