35

Dec 18, 2017 @ 18:43

‘Don’t call me gay’: Italian designer Stefano Gabbana

Nakiusap ang Italian designer na si Stefano Gabbana, isa sa likod ng fashion duo na Dolce & Gabbana, sa publiko at media na huwag nang pag-usapan ang kanyang sexuality.

“I don’t want to be called gay, because I’m simply a man…full stop,” ayon sa 55-anyos na si Gabbano sa panayam ng Corriere della Sera Daily.

“The word ‘gay’ was invented by those who need to label people, and I don’t want to be identified by my sexual choices,” dagdag pa nito.

Inilunsad ni Gabbana ang kanilang luxury fashion label noon 1984 kasama ang partner na si Domenico Dolce, at bagamat naghiwalay sila noong 2004, nagpatuloy pa rin naman sila sa kanilang negosyo.

“I thought that I could help spread a new culture as a famous person, a culture no longer based on gay rights but on human rights. We are human beings before being gay, heterosexual or bisexual,” dagdag pa nito Gabbana.

Sabi nito, naramdaman niya na isa siyang homosexual noong 18 anyos pa lang siya. Bagamat mayroon siyang girlfriend noon, mas attractive pa rin umano sa kanya angmga lalaki.

“I had known (about being gay) for a while, but I didn’t have the courage to admit it. Only through therapy did I realise that there had been clear signs in my childhood.

“I wanted to play alone…because I felt different from the other children and I feared that if we were together they would realise. And they would tell my mother,” ayon sa Milanese couturier na si Gabbana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?