Donovan Mitchell, namaga ang paa sa Rockets-Jazz duel

Sharing is caring!

Inakay si Utah Jazz rookie Donovan Mitchell papuntang locker room sa Game 5 laban sa Houston Rockets dahil umano sa pamamaga at pananakit ng kaliwang paa nito.

Ayon sa NBA, negatibo naman ang resulta ng naging X-ray kay Mitchell pero susuriin muli ito sa Utah.

Natamo ni Mitchell ang injury nang bumangga siya kay James Harden matapos sugurin ang depensa ng huli papasok sa basket sa fourth quarter.

Sa huling minuto ng panalo ng Rockets, 112-102, kitang iika-ika nang bumalik sa bench si Mitchell.

Tumapos ang 21-anyos ng 24 points at 9 assists sa Game 5 kontra Houston.

Nagtala siya ng playoff average na 24.4 points, 5.9 rebounds, 4.2 assists at 1.5 steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?