13

Sep 26, 2020 @ 20:16
By

Donovan, Bulls aprub sa P1.16B kontrata

SELYADO na ang pag-upo ni Billy Donovan bilang bagong head coach ng Chicago Bulls.

Mula sa sources ni Shams Charania ng The Athletic at Stadium:

“Terms on Billy Donovan’s Chicago Bulls head coaching deal: Four years and $24 million-plus (nasa P1.163 bilyon).”

Wala raw sa radar ni Donovan ang Chicago nang maghiwalay sila ng Oklahoma City Thunder makalipas ang limang seasons.

Madaling nagbago ang ihip ng hangin, Huwebes ay pinakilala na ng Bulls si Donovan dalawang araw matapos mapatango.

Sa OKC, kinumpasan ni Donovan sina superstars Kevin Durant, Russell Westbrook, Paul George at Chris Paul. Naglista ng 243-157 record si Donovan sa Thunder at sa ilalim niya ay hindi pumalya sa postseason ang team.

Excited na si Donovan na muling buhayin ang glory days ng Bulls.

“It’s an iconic franchise, and certainly to be a part of trying to help build it back up was certainly very, very appealing and exciting,” anang 55-year-old sa introductory press conference via video call. “I know it’s going to take a lot of work.”

Sasaluhin niya ang Bulls na 22-43 bago nasuspinde ang season noong March at hindi nakasama sa restart sa Orlando bubble.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?