279

By

Donny Pangilinan, naging farm apprentice ni Sen. Kiko Pangilinan

Sharing is caring!

Dumalo sa red carpet premiere ng pelikulang “Walwal” ng Regal Films si Senator Francis “Kiko” Pangilinan kagabi sa SM Megamall cinema bilang suporta sa pamangkin niyang si Donny Panglinan.

Si Donny ay anak ng kapatid niyang si Anthony Pangilinan sa dating aktres na si Maricel Laxa.

Kauna-unahan at biggest movie break ni Donny ang “Walwal” na prodyus ng Regal Films ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na dinirehe naman ng batikang direktor na si Joey Reyes.

Sa Twitter, nagpaabot ng congratulatory message ang senador sa kanyang pamangkin.

Ani Senator Kiko, “Congratulations sa ating dating farm apprentice @donnypangilinan sa iyong bagong pelikula!”

Pinuri din ng mister ng megastar na si Sharon Cuneta ang pelikulang pinagbibidahan din nina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Kiko Estrada. Kabituin din sina Devon Seron, Jane de Leon, Kisses Delavin at marami pang iba.

“[‘Walwal’] is a very fun and entertaining movie. May mga aral na mapupulot,” tinuran ni Sen. Kiko.

Dugtong pa ng mambabatas, “Maganda rin ito para sa mga magulang para maintindihan natin ang ating mga anak.”

Ang “Walwal” ay Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at nabigyan naman ng PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Palabas na ito ngayong araw sa mga sinehan sa buong kapuluan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?