54

By

Donny nagulat sa pagbuwag ni Kisses sa ‘DonKiss’

Binasag na ni Donny Pangilinan ang kanyang pananahimik tungkol sa inanunsiyo ni Kisses Delavin sa social media na buwag na ang love team nilang “DonKiss”.

Sa kanyang Instagram Story, inamin ni Donny na nasorpresa siya sa sinabi ni Kisses dahil ang pagkakaalam niya ay “under review” pa ang kanilang tambalan.

“I’ll be honest it was a surprise. To my understanding, the partnership was still under review because of different expectations, with no final decision yet,” sabi ni Donny.

Sa kabila nito, nanawagan siya sa kanilang fan na irespeto na lang ang pahayag ni Kisses.

“But let’s please respect her statement. I sincerely wish Kisses and her family the best. Let’s not fault find. Let’s all support each other at this time. DonKiss, we will forever be grateful for you all, love you guys. God bless good night,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?