97

Apr 2, 2020 @ 15:19
By

DongYan nagluto ng menudo para sa mga frontliner

Bilang pasasalamat sa paglaban sa coronavirus outbreak sa bansa, ipinagluto ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga frontliner.

Naghanda ang mag-asawa ng menudo para sa mga empleyado ng Quezon City General Hospital.

Binahagi ni Marian ang video sa kanyang Instagram kung saan makikita ang aktres na nagluluto habang si Dingdong ang nagpa-pack nito.

Sa food box ay sinulatan ito ni Marian ng touching message na: “We honor you for your service! Maraming salamat.”

Caption naman ni Dingdong: “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?