113

Nov 20, 2021 @ 16:14
By

Dondon Hontiveros bagong Cebu City vice mayor

Nanumpa ngayong Sabado bilang bagong bise alkalde ng Cebu City ang PBA legend na si Dondon Hontiveros.

Kasabay ni Hontiveros na nanumpa sa bagong tungkulin si Vice Mayor Michael Rama, na ngayo’y tatayo na bilang alkalde ng lungsod.

Ang pag-angat ng posisyon ng dalawa ay dulot ng pagkamatay ni Mayor Edgardo Labella.

Nasawi si Labella noong Biyernes dahil sa septic shock secondary to pneumonia.

Hindi naman masaya sina Hontiveros at Rama dahil kahit pa umangat ang kanilang posisyon sa gobyerno ay nangyari naman ito sa pagkamatay ni Labella.

“This is not the way I wished to take the rein of the city government,” wika ni Rama, na dati na ring naging alkalde ng Cebu City.

“This is not what we want to happen but of course there is a law that we have to follow. Again, never have I imagined that I will become a vice mayor,” wika naman ni Hontiveros.

Ang dating PBA player ang napiling vice mayor sapagkat siya ang numero unong konsehal sa nakaraang halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?