56

Dec 15, 2019 @ 17:06
By

Doncic tumupi ang paa vs Heat

Labas kaagad sa playing court si Dallas Mavericks star Luka Doncic matapos bumaliko ang ankle sa kanilang laban kontra Miami Heat.

Lampas isang minuto pa lamang ang nababawas sa game clock, bagsak sa court si Doncic matapos nitong maapakan ang paa ng rookie ng Miami na si Kendrick Nunn.

Matagal namalagi sa court ang European bago tumayo at ika-ikang magtungo sa locker room.

Nakita sa x-ray na negative naman ang resulta at walang malalang injury, ngunit kailangan pa ring ipahinga dahil sa ankle sprain at posibleng hindi makalaro sa laban ng Dallas kontra Milwaukee Bucks sa Martes.

Si Doncic ay isa sa mga posibleng mag-MVP ngayong taon sa average na 30.4 points, 9.9 rebounds at 9.4 assists.

Sa nasabing laro, nanalo ang Heat 122-118 sa overtime kung saan kumolekta ng 27 points, seven assists at four rebounds si Jimmy Butler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?