29

Oct 21, 2021 @ 23:32
By

Doncic pinasaya may mga kanser

Hindi lang sa loob ng court kundi maging sa labas mahusay si National Basketball Association star Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

Sumaklolo ang 22-anyos, 6-7 ang taas na guard-forward mula sa Serbia sa mga cancer patient sa ilang ospital sa Dallas at Plano nitong Miyerkoles.

Namigay si Doncic ng Jordan na sapatos, bag na may lamang medyas, hoodies at larawan na may pirma niya.

May 80 batang may kanser ang tumanggap din ng coloring book kung saan nilalaman ang istorya ng kanilang pagkakaibigan ng kalahi at katropang si Boban Marjanovic.

May kasama pang pizza ang pagpapasaya niya sa mga bata at hospital staff. Hindi lang siyang personal na nakapunta dahil sa ilang health and safety restrictions.

“I really wish I could have been there to meet and talk to the kids but hopefully this surprise brought a smile to their faces and encouraged them to stay strong,” anang basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?