20

Doncic patuloy ang pag-iingay, bumitaw ng clutch shot

Bumitaw ng clutch three si Luka Doncic at nanaig ang Dallas Mavericks kontra Minnesota Timberwolves sa iskor na 119-115.

Si Doncic ay patuloy na nagpapakitang-gilas, gumawa ng 29 points kasama ang clutch 3 na nagpalamang at nagpanalo sa Mavericks. Sumahog pa ito ng 12 assist at walong rebounds, at sa huling 9 poibnts ng Mavs, 7 points ang kay Doncic dito.

Dahil sa tip-in ni Taj Gibson sa mintis ni Jeff Teague 35.7 seconds sa orasan, lumamang pa ang Wolves 115-114. Tumirada naman si Doncic ng pull-up 3 sa harap ni Karl-Anthony Towns na nagpalamang sa kanila 117-115, 22.9 seconds sa orasan.

Si Harrison Barnes ay tumulong din sa Mavs na may 23 points, si JJ Barea galing sa bench ay may 16 points at si Dwight Powell ay may 15 points.

Nanguna naman si Karl-Anthony Towns sa Wolves na may double-double, 30 points at 11 rebounds habang si Andrew Wiggins ay may 17 points.

Kasalukuyang pareho ng standing ang dalawang koponan na may 20-22 win-loss record. Pang-12 sa Western Conference ang Mavericks habang nasa 13th spot naman ang Timberwolves. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?